Alas sais ng gabi.
Magisa
Napakatahimik ng paligid
Nakakbingi mang ituring ay mas nakakabingi pa rin
Ang mga boses sa aking isip, mga bulong, mga tinig
Tilang mga salita na pilit kumakawala matapos ang mahabang pagkakahimbing
Hindi ko na mabilang kung pangilang yosi na itong naisidihan ko
Ilang kaha na ang naubos maghapon
Wala akong ideya sa paliwanag ng siyensa sakung paano nito napapakalma ang dugo at kalamnan ko
Gusto ko lang talaga siguro na kahit papaano ay may karamay ako sa unti unting pagkaupos ko
At oo, Alam ko masama ‘to sa katawan ko.
Kung paano nito unti unti pinapahina ang baga ko
Pinasisikip ang aking dibdib
Pero tanong ko lang,
Hindi ba lagi naman nating pinipili kung saan mas masakit
Masyado tayong nalululong sa pagyakap sa pait
Masyado tayong nasasarapan habang hinahalay tayo ng paso at init
Kaya tara. Sabayan mo akong upusin ang ating mga sarili
Unang hithit ng yosi.
Para ito sa mga alak ng dumadaloy sa aking dugo
Mga bote na saksi sa mga gabing lumalapat ang luha sa aking pisngi pero pilit paring ngumingiti
Mga gabing kasabay ng pagikot ng tagay ang pagikot ng mundo
Hindi pa rin malilito
Na kahit anong labo ng ng daan pagkatapos ng mahabang inuman sa aking paguwi
Ay malinaw na malinaw na magisa pa rin akong tatapusin ang gabi.
Sa pangalawang hithit ko ng yosi, ito para sa mga hindi natapos na tula
Mga kwadernong naghihintay lamang pansinin
Sa mga punit na pahina
Bagamat hindi pa naman nalalagyan ng tuldok ang huling pangungusap ng tula na alay ko sana
May kasama ka ng iba at sumusulat ng bagong istorya
Pangatlong hithit ng yosi ay para sa mga unan
Unan na himlayan ng utak kapag masyado nang mabigat, maraming laman at pagod.
Para sa kumot, nagsisilbing kalasag at panakbong. Kapag naduduwag at di na kayang saguting ang mga tanong
Ayos ka lang ba?
Kumusta ka?
Hindi kayang magsalita pero bakit tila paos
Para rin sa mga maagiw na aklat sa pasimano ng kwarto na hindi ko na malinis pagkat mismong sarili koy hindi maayos
Sa pang apat na hithit ay para sa multo sa sulok ng aking kwarto
Mga nanlilisik at namumulang mga mata
Pero tila nangaakit “Halika tara”
Kinakatakutan pero hindi pinagtatabuyan
Hindi ko alam
Pero parang kilala niya ako sa titig niya
Tila ba kaya niya ikwento sa akin ang sarili kong istorya
Kaya niyang isa-isahin ang bawat araw ng aking nakaraan
Kaya niyang isiwalat kung kalian lang naglalakas – lakasan o kung kalian ako mahina at tila nangangatog tuhod na bata
Pero bakit siya lang din ang may kayang making sa aking ng walang panghuhusga
At siguro dahil siya lang ang laging nandiyan ay kinaibigan ko na
Sa pang-lima na hithit ko ng yosi ay para sa mga bituin
Nakakainggit na mga bituin.
Hinahangaan kahit di lubusang naiintidihan
Patuloy na pinagaaralan
Maraming interesado kahit gaano kalayo
Maraming nangangarap na malapitan man lamang.
Pang-anim naman ay para kay buwan
Wag kang magalala . Hindi ka nagiisa
Na minsan lang makita ang liwanag ng araw sa buhay nila
Pang-pito ay para sa aking mga kaibigan.
Maging tunay o peke ka man
Salamat sa pagalala. Salamat sa mga ala ala
Sa mga pagbubuhat ng ibang bagahe kapag hindi ko na kaya
Sa pagpapaala at pagtatama kapag nagkakamali na
Ang huli at pangwalong hithit ay para sayo
Oo, sayong nagbabasa nito
Dahil ngayon ay parte ka na ng buhay ko
Dahil saksi ka sa huling tula o liham na isusulat ko.
At Oo, sulat pamamaalam nga ito.
Upos na ang huling yosi na sinidihan ko.
Namatay ng ang bagang bumubuhay dito
Gagawin ng tahimik para walang makapansin
Dahang dahang lalapitan ang nakasabit na lubid na kanina pang naghihintay sa akin.
Comments
Post a Comment