Alas sais ng gabi. Magisa Napakatahimik ng paligid Nakakbingi mang ituring ay mas nakakabingi pa rin Ang mga boses sa aking isip, mga bulong, mga tinig Tilang mga salita na pilit kumakawala matapos ang mahabang pagkakahimbing Hindi ko na mabilang kung pangilang yosi na itong naisidihan ko Ilang kaha na ang naubos maghapon Wala akong ideya sa paliwanag ng siyensa sakung paano nito napapakalma ang dugo at kalamnan ko Gusto ko lang talaga siguro na kahit papaano ay may karamay ako sa unti unting pagkaupos ko At oo, Alam ko masama ‘to sa katawan ko. Kung paano nito unti unti pinapahina ang baga ko Pinasisikip ang aking dibdib Pero tanong ko lang, Hindi ba lagi naman nating pinipili kung saan mas masakit Masyado tayong nalululong sa pagyakap sa pait Masyado tayong nasasarapan habang hinahalay tayo ng paso at init Kaya tara. Sabayan mo akong upusin ang ating mga sarili Unang hithit ng yosi. Para ito sa mga alak ng dumadaloy sa aking dugo Mga bote na saksi sa mga gab...